Patuloy ang paglalakbay at paglaya ng damdamin…

Ang aklat na ito ay isang paglalakbay at paglaya. Paglalakbay dahil ang mga tula ay naka-areglo mula sa damdaming may kirot sa dibdib, patungo sa pag-alam sa sarili, hanggang sa pagharap sa katotohanan at kapayapaan ng damdamin. Sa huli, nais kong maramdaman ng mga mambabasa ang paglaya ng sarili—katanggap-tanggap at kamahal-mahal. Kung sa pagbabasa nito ay matutunan mo ring palayain ang iyong sariling damdamin at kaisipan, pagsaluhan natin ang bukang-liwayway sa mga dagat ng buwan.
Ang koleksyong ito ay karugtong na kabanata ng mga tulang naisulat ko sa “Journey to the Lunar Seas” na unang nailimbag noong 2023. Ngunit ang mga tula na nilalaman nito ay hindi lamang pagsasalin ng mga naunang tula—bagkus, ang mga tula ay mas may lalim, mas may dimensyon, at mas may kahinugan na naipapahayag lamang gamit ang wikang Filipino.
Kung ang pagsulat ay paglaya, ito ang aking emansipasyon!

Nilalaman
Oceanus Procellarum
Pitong tula: Ang damdamin ay parang kagaratan: Malawak, malalim, at nagbibigay saysay sa buhay
Mare Frigoris
Pirong tula: Kung ang lamig ay kamatayan, namamatay ba ang pusong walang pagmamahal?
Mare Cognitum
Anim na tula: Ang pag-alam ay sumpa ng katotohana o biyaya ng karunungan—ikaw ang magtatakda.
Mare Serenitatis
Anim na tula: Ang mapayapang isip ay hatid ng mapayapang puso; Ang mapayapang puso ay hatid ng pagtanggap sa katotohanan.
Mare Nubium
Limang tula: Bagamat ang ulap ang nagdadala ng ulan tuwing bagyo, ulap din ang tumatabing sa matinding init ng araw.
Book Teaser
Ang Maria ni Mayari ay maari mo nang mabili bilang
KINDLE E-BOOK!
Bumili ng ekslusibong kopya sa Amazon!
Maari ka pa ring bumili ng aktwal na kopya ONLINE!
**Makakukuha ka rin ng kopya ng libro sa pagbisita sa Central Bookstore sa 5F, SM Megamall Mega A, Mandaluyong City (Philippines).**